Sa pagbubukas ng 2023 Wet Season ay nagsimula na ding maghatid ang DA-PhilRice Isabela ng binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program.
 
Unang naideliber ang mga inbred na alokasyon ng mga bayan ng Villaverde at Solano, Nueva Vizcaya ngayong araw. Kasabay nito, sinanay na din ng mga provincial coordinators ang mga katuwang na Local Government Unit sa paggamit ng Rice Seed Monitoring System – isang application sa selpon na gagamitin para sa sistematikong distribusyon ng binhi.
 
Sa kabilang banda, iginawad ang sertipiko at plake kay Gov. Dakila Cua ng Quirino at provincial agriculturist Florence Mangoba bilang pagkilala sa probinsya ng Quirino dahil sa maayos na implementasyon ng RCEF noong nakaraang taniman.
 
Abangan ang marami pang aktibidad ng RCEF sa inyong lugar ngayong 2023WS upang makabahagi sa benepisyong hatid ng programa at nang makatulong sa hangaring mapataas ang ani ng palay sa bansa. (FB, DA-PhilRice Isabela)