Ika nga ni ka-Palay Eleuterio Ugot, 60, farmer-leader ng Tabug Integrated Community-based Farm, marami pa siyang kaalaman na maibabahagi sa mga kabataang interesado sa pagsasaka.
 
Noong una, nagdadalawang-isip siyang sumali sa Rice Competitiveness Enhancement Fund –
Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Training of Trainers (TOT), pero pinilit pa rin niyang magpatuloy dahil alam niyang marami pa siyang dapat matutunan.
 
Samantala, lumakas naman ang kumpyansa sa sarili ni ka-Palay Argee Aurelio, 22, Instructor ng Ilocos Sur Community College, sa pagsali niya sa TOT.
 
Sa edad ko, konti lang ang maniniwala sa akin. Ngunit, dahil sa training na ito, na-boost ang aking confidence sa pagtuturo ng agrikultura sa mga estudyante,” aniya.
 
Kabilang sina ka-Palay Eleuterio at Argee sa 25 trainors na nagsipagtapos ng RCEF TOT ukol sa pagpaparami ng dekalidad na binhi at paggamit ng mga makinarya. (FB, DA-PhilRice Batac)