Nang mamatay ang asawa ni ka-Palay Kathryn Barroga higit 10 taon ang nakalipas, kinailangan niyang pamahalaan ang 5 ektarya nilang sakahan kasabay ng pagganap sa kanyang tungkulin bilang isang ina sa dalawa nilang anak.

Aminado si Kathryn na hindi pa siya handa dahil kapos pa ang kanyang kaalaman sa pagsasaka. Ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay sumuko.

Tuwing magagawi sa kanilang Local Goverment Unit (LGU) sa Alfonso Lista, Ifugao lagi siyang nanghihingi ng mga babasahin sa pagpapalayan at sumasali sa mga training.

Anya, mas tumaas ang kanyang kumpyansa sa pagsasaka sa tulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Farm Field School at Rice Specialists Training Course.

Ngayon isa na siyang farmer-leader, accredited inbred seed grower, at umaani ng 150-170 kaban kada ektarya.