Para sa mas malawakang pag-aaral sa tamang pamamahala ng pesteng insekto at sustansiya sa palayan, ang mga kasalukuyang trainees ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Pest and Nutrient Management ay nagsagawa ng aktwal na pag-assess ng isang problematic field.
Isinagawa ito sa isang palayan sa Diadi, Nueva Vizcaya na may mga naobserbahang suliranin.
Sa inisyal na pagsusuri ng mga experts ng DA-PhilRice Isabela kasama ang mga trainees, ilan sa mga nakitang problema ay ang pagkakaroon ng uban (whiteheads) dulot ng atake ng stemborer, madaming damo, at kakulangan sa sustansiya katulad ng potassium.
Isa-isang inalam ang mga sanhi ng mga ito at nagbuo ng mga rekomendasyon para maiwasan at maitama ang kanilang pamamahala sa susunod na taniman.
Ang pagsasagawa ng assessment ay nakakatulong sa mga magsasaka para matukoy ang totoong sanhi ng problema sa palayan, at makakapagbibigay ng tamang rekomendasyon. (FB, DA-PhilRice Isabela)