Kasabay ng anihan sa piling mga bayan ng Nueva Vizcaya ay ang paghahanda din ng ibang mga magsasaka sa pagtatanim dahil sa tuloy-tuloy na patubig. Mas naging agresibo pa ang paghahanda dahil sa pag-uumpisa ng ulan sa rehiyon.
Bilang tugon ng DA-PhilRice sa pangangailangan sa binhi, patuloy itong naghahatid ng RCEF seeds sa mga bayan na magtatanim na. Ginagawa din ang masusing inspeksyon sa mga binhi upang matiyak ang mataas na kalidad ng mga ito.
Sa kabuuan nasa 4,758 sako na ng certified na inbred na palay ang kasalukuyang ipinamamahagi sa mga bayan ng Solano, Villaverde at Bayombong sa naturang probinsiya. (FB, DA-PhilRice Isabela)