Bayan ng San Juan, La Union hinding-hindi magpapaiwan sa benepisyong hatid ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program!
 
Mahigit 400 na sako ng sertipikadong inbred na binhing palay ang ipinamahagi sa mga magsasaka ng San Juan, La Union sa naganap na seed distribution kick-off ceremony & technical briefing ngayong araw.
Ang mga barayting ipinamahagi sa mga magsasaka ay ang NSIC Rc 222, Rc 160, at Rc 480 sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), April 18, 2023.
 
Maliban sa dekalidad na binhing palay, nagpamahagi din ng mga babasahin at pagkakaroon ng technical briefing upang madagdagan pa ang mga kaalaman ng mga magsasaka sa pamamahala ng tanim na palay. (FB, DA-PhilRice Batac)