Para kay ka-Palay Mary Ann S. Navarra ng Bulacan, malaking tulong ang naganap na RCEF Training of Trainers on Pest and Nutrient Management nitong April 24-28, 2023 dahil mas napalawig nito ang kanyang kaalaman sa pagkukwenta ng tamang dami ng patabang dapat ilagay sa palayan na kanyang ibabahagi sa mga kapwa magsasaka pagkatapos ng pagsasanay.
 
Mas kampante na rin umano niyang maituturo ang tamang pamamahala ng peste sa palayan at matulungang imulat ang mga magsasaka na mayroon ding mga kaibigang organismo na may dalang magandang benepisyo sa mga pananim.
“Mas maganda kung maparami natin ang mga ito, lalo na kung magkakaroon tayo ng biological engineering, ito ay ang pagtatanim ng mga namumulaklak na halaman sa paligid ng ating farm, nakakadagdag po ito na bahayan ng mga kaibigang organismo,” kwento ni Navarra.
 
Tatlumpu’t dalawang trainers mula Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Bulacan, at Nueva Ecija ang naging kalahok sa nasabing pagsasanay.  (FB, RCEF Extension Program)