Hinimok ni ka-palay Oscar Quiloña ang mga kasamahan sa short course on pest and nutrient management training na ginanap sa San Julian, Easter Samar na isaisip ang mga natutunan upang maibahagi sa iba.
“Taglay ang mga bagong kaalaman tungkol sa pamamahala ng peste at tamang pag-aabono dapat magkaisa ang bawat magsasaka na ibahagi at gawin ang mga natutunan.”
Ang short course on PNM training ay nasa ilalim ng RCEF Extension Program. Layon nitong mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka tungo sa mabisang pamamahala ng peste at nutriheno sa palayan batay sa Sistemang PalayCheck. (FB, DA-PhilRice Bicol)