Sa opisyal na pagbubukas ng wet season, 100 na ka-Palay ang naunang napamahagian na ng mga binhing NSIC Rc 222 at NSIC Rc 440 sa bayan ng Maasin City.
Ayon kay Edgar Maturan, ang libreng binhi na kanilang natatanggap bawat taniman ay laking bawas sa kanilang gastos dahil di na nila kailangang bumili pa. Meron pang kasamang pagtuturo sa mga magsasaka.
“Dahil sa libreng binhi, hindi na kami nahihirapang maghanap ng itatanim. Libre pa! Naitatama pa ang pamamahala ng aming palayan sa tulong ng lectures at mga babasahin tulad nung sa peste at pag-aabono”, wika ni ka-Palay Edgar
Ngayong linggo, inaasahan ang pag hatid ng mga binhi sa mga sumusunod na bayan sa Southern Leyte:
Tomas Oppus
Bontoc
Libagon
San Juan
Saint Bernard