Para kay ka-Palay Elmer Bromeo, kapaki-pakinabang ang mga natutunan nilang impormasyon at teknolohiya sa Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Training of Trainers (TOT) on the Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds, and Farm Mechanization.
“Sumali ako sa training na ito upang magkaroon din ng sapat na kaalaman sa pagpapalayan nang makapagbigay ng dekalidad na serbisyo sa mga kapwa magsasaka.”
Kasama si ka-PALAY Elmer sa 26 na agricultural extension workers at local farmer technicians na nagsipagtapos sa dalawang linggong pagsasanay sa DA-PhilRice Batac.