Angat-Ani sa Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) -PalaySikatan
 
Base sa resulta ng crop cut na sa mga barayting tampok sa PalaySikatan sa San Juan, Tabuk City Kalinga, aabot ng 8 hanggang 9 na tonelada kada hektarya (t/ha) ang kayang anihin sa panahon ng tag-araw.
Pinaka mataas ang barayting NSIC Rc508 at NSIC Rc402 na may (8.6t/ha) at sinundan ng NSIC Rc512 na may (8.2t/ha), NSIC Rc222 na may (8t/ha), NSIC Rc218 na may (7.2t/ha), at ang NSIC Rc506 na mayroon namang (7t/ha) crop cut yield.
 
Ang mga datos na ito ang nagpapakita ng kanilang potensiyal na ani pag naibigay ang angkop na teknolohiya sa pagpapalay.
 
Base naman sa ginawang Participatory Varietal Selection o PVS, ang barayting NSIC Rc506 ang pinaka gusto ng mga dumalo sa field day dahil sa pisikal na katangian nitong maganda ang tindig, madaming buhay na butil at mahahaba ito.
 
Ang PalaySikatan ay nag-eendorso ng pagamit ng mga makinarya sa pagsasaka gaya ng precision seeder na ginamit sa demonstrasyong ito.
 
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng direktor ng DA-PhilRice Isabela, Joy Bartolome A. Duldulao; Edwin Joseph Franco, ang Rice Focal Person ng DA-CAR; mga kawani ng PLGU-Kalinga; CLGU ng Tabuk City at mga magsasaka.
 
Nakatanggap din mula sa RCEF Extension program ang mga dumalo ng mga babasahing gabay sa kanilang progresibong pagsasaka. (📷 Mishelle Domingo, FB, DA-PhilRice Isabela)