Upang mas mapalawak ang kaalaman sa pagpapalayan ng mga ka-Palay sa Catbalogan City, Samar at Naval, Biliran, nagpamahagi tayo ng mga libreng babasahin tungkol sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), Sistemang PalayCheck, at pag-aabono sa ginanap na isinagawang Seed Distribution Kick-off Ceremony and Technical Briefing sa nasabing probinsya.

Binusog din natin sila sa kaalaman sa tamang pamamahala ng sustanya na kanilang magagamit sa pagtatanim.

Inanunsyo rin sa aktibidad na makatatanggap sila ngayong tag-ulan na taniman ng libreng dekalidad na binhi tulad ng:

  •  NSIC Rc 222
  •  NSIC Rc 216
  •  NSIC Rc 402
  •  NSIC 358
  •  NSIC Rc 506

Para sa schedule ng libreng pamamahagi ng binhi mula sa RCEF, makipag-ugnayan lamang sa inyong agriculture office.
(RCEF Extension Program, FB)
(📷-DA-PhilRice Bicol)