TANONG NI KA-PALAY: Ilang sako ng RCEF certified inbred rice seeds ang maaaring matanggap ng kwalipikadong magsasaka?
Isang sako (20kg) ng certified inbred rice seeds kada kalahating ektarya, ka-palay!
Ibig sabihin, may 2 sako o 40kg na binhi ka kung isang ektarya ang nakarehistro sa’yo.
Katumbas naman ng limang ektarya ang maximum na maaaring mabigyan ng binhi!
Ganito ‘yan:
✅ 0.5 ektarya pababa = 1 bag (20kg)
✅ 0.6 hanggang 1 ektarya = 2 bags (40kg)
✅ 1.1 hanggang 1.5 ektarya = 3 bags (60kg)
✅ 1.6 hanggang 2 ektarya = 4 bags (80kg)
✅ 2.1 hanggang 2.5 ektarya = 5 bags (100kg)
✅ 2.6 hanggang 3 ektarya = 6 bags (120kg)
✅ 3.1 hanggang 3.5 ektarya = 7 bags (140kg)
✅ 3.6 hanggang 4 ektarya = 8 bags (160kg)
✅ 4.1 hanggang 4.5 ektarya = 9 bags (180kg)
✅ 4.6 ektarya pataas = 10 bags (200kg)
Bakit 40kg? Ayon sa pag-aaral ng DA-PhilRice, sapat na ang 40kg sa isang ektarya.
🌾Kapag certified seeds, nasa 1.6 milyon ang butil sa 40kg.
🌾Ang kailangan lang sa isang ektarya ay 750,000 butil.
🌾May tatlong puno ng punla na itutusok kada tundos.
🌾Pag sumobra sa tatlong punla, makapal na masyado ang isang kumpol.
🌾Kung 85% ang germination rate ng certified seeds, nasa 1.3 milyon ang tutubo. Ibig sabihin may pasobra pa na 600,000 na butil na panghulip o pamalit kung sakali.
🌾Kapag siksikan ang palay, agawan sila sa pataba at sinag ng araw. Ang resulta, maikli ang uhay, kakapiranggot ang butil, kaya mahina din ang ani. Importante na gumamit ng tamang dami ng binhi at punla para tumaas ang ani at makatipid sa gastos. (FB, RCEF Seed Program)