Batay sa datos mula sa Rice Seed Monitoring System, mula nang magsimula ang paghahatid noong huling linggo ng Abril hanggang sa kasalukuyan, naideliber na ang 242,862 sako ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) seeds sa mga LGU na saklaw ng DA-PhilRice Isabela.
 
Nahahati ito sa Rehiyon Dos na may 220,214 sako, at 22,648 naman sa Cordillera.
 
Kung ihahambing ito sa nakaraang taon, mas maaga at mas mabilis ang paghahatid ng binhi sa mga magsasaka dahil naabot na ang 63% ng alokasyon sa taong ito ang naideliber kumpara sa 45% lamang noong 2022 sa katapusan ng buwan ng Mayo.
 
Nakapagdeliber na ang programa ng binhi sa Abra ng 72%; Apayao, 84%; Benguet, 100%; Ifugao, 35% Kalinga, 18%; Mt. Province, 96%; Cagayan, 45%; Isabela, 79%; Nueva Vizcaya, 94%; at Quirino, 50%.
 
Ang maagang pamamahagi ng mga binhi ay tugon sa mas maagang pagtatanim ng mga magsasaka upang maiwasan ang pinsalang dulot ng mga bagyo sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre, na nakakaapekto sa ani ng palay sa dalawang rehiyon.
 
Inaasahang matatapos ang paghahatid at distribusyon ng mga binhing RCEF sa ikalawang linggo ng Hunyo.
 
Para sa mga nagtatanim, mangyaring pumunta lamang sa inyong munisipyo upang makilahok sa programang inilunsad ng RCEF at NRP para sa inyo. (FB, DA-PhilRice Isabela)