RCEF Seed program papasok na sa Cebu province! ๐Ÿš›๐ŸŒพ๐Ÿ—พ
 
INAABANGAN NA ang pagdating ng RCEF certified seeds sa Cebu province matapos ang pagpupulong ng mga lokal na pamahalaan kasama ang DA-PhilRice Negros na pinamumunuan ni OIC-Branch Director, Leo Sta. Ines sa isinagawang social mobilization activity sa kanilang lugar.
 
Naglaan ng 1,575 bags ng certified seeds para sa 15 LGUs na ipamimigay sa 919 na mga magsasaka.
Ayon sa RCEF Coordinator na si Engr. Rojen Austria, magsisimula na ang paghahatid ng mga binhi ngayong linggo. ๐Ÿš›๐ŸŒพ (FB, DA-PhilRice Negros)

RCEF, kasangga sa pagsasaka ๐Ÿฅฐ๐Ÿ’ช๐Ÿฝ๐ŸŒพ
 
Sa loob ng apat na taon, naging parte na ng buhay pagsasaka nila ka-Palay Felipe Cuyno at Nila Atuel ng Ubay, Bohol ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program.
 
Kwento nila, masaya sila dahil libre na at dekalidad pa ang binhing ipinamamahagi ng RCEF Seed Program. Laking tulong rin ng kanilang natutunan sa technical briefing kung saan pinag-usapan nila ang โœ… Key Check 5 (Nutrient Management) ng Sistemang PalayCheck.
 
Dalawang daang ka-Palay sa Ubay, Bohol ang dumalo sa naganap na RCEF Seed Distribution at Technical Briefing. (FB, DA-PhilRice Negros)

DEKALIDAD na binhi para sa President Quirino, Sultan Kudarat!
 
Higit 3,000 bags (20 kg/bag) ng certified inbred rice seeds mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program, nakatalagang ipamahagi sa lugar. (FB, RCEF Seed Program)
Last April, the DA-PhilRice Midsayap in coordination with the Municipal Agriculture Office of MLGU – President Quirino distributed 3,896 bags (20 kg/bag) of rice seeds to identified rice farmers of this municipality.
 
The activity was formally graced by the our active Municipal Mayor Hon. Ma. Katrina Buena F. Sandigan, MPA together with Municipal Vice Mayor Hon. Meris D. Aradanas, MPA and SB Committee on Agriculture Hon. Renato A. Dela Reyna.

WE ARE BACK, Nueva Ecija!
 
Muling makatatanggap ng certified inbred rice seeds ang mga ka-palay natin sa Nueva Ecija dahil kasama na ulit ito sa mga saklaw ng RCEF Seed Program.
 
Ibinahagi ni ka-palay Catalino Miranda, ka-palay mula bayan ng Quezon, ang pagtanggap niya ng 7 sako ng NSIC Rc 222.
 
โ€œAng buhay ng magsasaka ay nakasalalay sa magandang binhi, kaya malaki ang tulong ng binhing ito sa amin. Imbes na ibili namin ng binhi, gagastusin ko na lamang ang pera para sa pataba at pestidyo,โ€ aniya.
Umaasa naman si ka-palay Gloria Gregorio na magiging maganda ang resulta ng kanyang nakuhang NSIC Rc 222.
 
โ€œDati nasa 70-80 kaban lang inaani ko. Umaasa ako na mas mataas pa dyan ang aanihin ko gamit ang RCEF certified seeds,โ€ kwento ni ka-palay Gloria na first time makatanggap ng binhi mula RCEF.
 
Para sa 2023 wet season, inaasahang makatanggap ang buong Nueva Ecija ng 130,462 sako (20kg/sako) ng RCEF seeds. (Minard F. Pagaduan, FB, RCEF Seed Program)

ANGAT ani sa Bacolor, Pampanga? How?
 
Regular na nakatatanggap ng RCEF seeds simula 2020 si ka-palay Pablo Gomez. Palagay ang kanyang isip dahil base sa karanasan, laging maganda ang kanyang ani dahil bukod sa certified, NSIC Rc 222 ang barayti na lagi niyang pinipili.
 
โ€œDati pa man, [Rc] 222 na ang pinipili ko dahil bukod sa malakas itong umani ay maganda pa ang tindig. Higit sa 100 kaban sa isang ektarya ang madalas kong nakukuha mula rito,โ€ aniya.
 
Kwento naman ni ka-palay Levita de Leon, bukod sa regular din siyang nakatatanggap ng libreng binhi ay nakakadalo din siya ng mga pagsasanay na nagpabago sa nakagawian.
 
โ€œDinaanan din ng lahar โ€˜yung lupang sinasaka namin kaya maswerte na kung makaani ng 50 kaban. Pero buhat nung RCEF seeds ang gamit namin, umangat na sa 70 kaban yung ani namin,โ€ sabi niya.
 
Ilan lamang sila ka-palay Pablo at Levita sa mga nakatanggap ng binhi sa naganap na RCEF seed distribution sa Bacolor nitong May 30. Nasa 1,200 sako ng binhi ang inaasahang maipamigay sa buong bayan para sa 2023 wet season. (Minard F. Pagaduan, FB, RCEF Seed Program)

BINHI at BABASAHIN, hatid ng RCEF! ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š
 
Kasabay ng pamamahagi ng higit 133,000 binhi ang pagdeliver din ng 760 na babasahin sa ilang mga bayan sa CALABARZON at MIMAROPA ngayong Mayo.
 
Karamihan sa mga posters at field guides na ipinamigay ay patungkol sa mga kalaban at kaibigang insekto at kung paano pamamahalaan ang mga ito.
 
Ayon kay Liza Yee, municipal agriculturist ng Kalayaan, Laguna, nakakatulong ang mga posters na sanggunian ng mga rekomendasyon sa pamamahala ng mga peste at sakit.
 
Patuloy ang delivery ng DA-PhilRice ng mga binhi sa 162 bayan sa CALABARZON at MIMAROPA at ng mga basasahin sa 77 bayan sa CALABARZON.