๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐ ๐ข๐ง๐๐ซ๐๐ ๐ซ๐ข๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐ฌ ๐ญ๐๐ซ๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง ๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐๐จ๐ญ
Batay sa huling datos, naideliber na sa 142 na syudad at munisipyo ang 386,086 na sako ng certified inbred seeds sa ilalim ng RCEF Seed Program
Isa sa mga natuwa sa pagbabalik ng programa sa Isabela si Benigno Simon Sr. ng Cauayan City. “Sakto para sa taniman ang pagkatanggap namin ng mga binhi. Sa tulong nito, aming inaasahan na tataas ang aming ani at kita,” aniya. (FB, DA-PhilRice Isabela, June 30, 2023)
May binhi at babasahin para sa ka-Palay ko na yarn!
Ngayong Hunyo ay mahigit 87,000 sako ng binhi ang naipamigay ng DA-PhilRice sa CALABARZON at MIMAROPA. Kasama rito ang mga posters at babasahin patungkol sa peste at pagpapalayan na natanggap ng ilang bayan sa CALABARZON.
Nilalayon ng RCEF Extension Program na matulungan ang mga magsasakang mahasa ang kanilang kaalaman sa modernong pagpapalayan at mekanisasyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga babasahin. Ito ay kasabay ng pamamahagi ng binhi sa ilalim ng RCEF Seed Program.
Ngayong 2023 wet season ay nasa 240,000 sako ng binhi at 1,634 babasahin na ang naipamahagi ng ahensya sa CALABARZON at MIMAROPA. Magpapatuloy ito hanggang Setyembre para sa kasalukuyang taniman. (FB, DA-PhilRice Los Baรฑos, June 30, 2023)
Distribution at Brgy. Angeles Alabat,Quezon
Nagkaroon ng pamamahagi ng mga binhing palay mula sa PhilRice RCEF Seed Program sa Brgy. Angeles Alabat, Quezon. Layunin nito na suportahan ang mga magsasaka at mapalawak ang produksyon ng palay sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng dekalidad na mga binhi. Ang pamamahagi ng mga binhing ito ay nagdulot ng tulong sa mga magsasaka sa barangay, nagbigay ng oportunidad na mapataas ang produksyon ng palay, at nagpakita ng suporta ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura. (FB, Office of the Municipal Agriculturist – OMA Alabat FITS Center, June 15, 2023)
Rainfed Rice Farmers mula sa Proper Barangay Edcor, Buldon Maguindanao muling tumanggap ng certified Seeds galing sa RCEF- Seed Program WS 2023.
Hindi lamang binhi ang hatid ng AEWs ng MAFAR Buldon kada pamamahagi ng binhi kundi masustansyang talakayan din tungkol sa tamang pagtanim at tamang pag-aabono.
Itinuro sa mga ka-Palay ang iba’t ibang epektibong pamamaraan sa pamamahala ng sustansya upang mabawasan ang gastusin sa pagpapalayan nang di nasasakripisyo ang target na ani ito ay pinangunahan ng OIC MMO/Agriculturist – I Rahima M. Abubacar- Tanggao , Agricultural Technologist Abdulla T. Udtong at ARPT Rosesalia L. Manalao. (FB, Mafar Buldon, June 14, 2023)
All out seeds to be sent to Panay and Negros Island!
More than 2,000 bags of certified seeds were distributed to almost 1,200 farmers in Panay and Negros Island in the Seed e-Padala Pre-Registration and Seed Distribution conducted recently.
The activity took place at:
Two, Capiz
Laua-an, Antique
Lesson, Aklan
Kabankalan City, Western Negros
Bago City, Western Black
Valladolid, black
Together with DA-PhilRice Negros, seed growers of Negros Occidental Accredited Seed Producers Cooperative (NOASEPCO), and Aklan Seed Cooperative in conducting pre-registration until seed distribution. (FB, DA-PhilRice Negros)
Seeds e-Padala Distribution in Kabacan, Cotabato (FB, Norodin Dipatuan, June 13, 2023)
Bundok, kapatagan o tabing dagat, binhing RCEF ay nakakaabot!
Sa pagnanais na marating ang lahat ng magsasaka sa kaniyang nasasakupang rehiyon, sinusumikap ng RCEF Seed Program Team ng DA-PhilRice Isabela na iparating ang dekalidad na binhi bago magtaniman sa lahat ng munisipyo.
Sa kasalukuyan, nasa 364, 276 bags o 95.03% ang naihatid na, na siya namang ipapamahagi sa may 153 LGUs sa Cordillera at ng Cagayan Valley.
Malaki ang pasasalamat ni Dr. Jose Marie G. Monteclaro, municipal agriculturist ng Palanan, isa sa mga coastal municipalities ng Isabela, na sa unang pagkakataon ay makakatanggap sila ng 2,000 sako ng binhi, higit na malaki kaysa sa karaniwan nilang natatanggap na 250-500 sako sa mga nakalipas na taon.
Nakatakda ding sundan ng mga technical staff ng DA-PhilRice Isabela ang mga binhi para sa pormal na turn-over sa mga municipal mayor ng Palanan, Maconacon at Divilacan. Susundan ito ng mga technical briefings sa mga magsasaka upang higit nilang makilala ang PhilRice at RCEF, at maihanda sila sa tamang pamamahala ng mga binhing kanilang tatanggapin. (FB, DA-PhilRice Isabela, June 10, 2023)
Binhi e-Padala very good para sa mga taga Lagonoy at Goa Camarines Sur!
“Automatic at very good!” ang naranasan ng mag-asawang Felipe Remiter at Nenita Remiter ng San Rafael, Lagonoy, Camarines Sur, sa pagkuha ng binhi sa mas pinadaling proseso ng Binhi e-Padala.
Katuwang ang Farmers Cooperative and Associations (FCAs), pinalitan ng QR code ang dating claim code na nakukuha sa SMS na nagpadali at inilapit pa sa lugar ng mga magsasaka ang pagpapamahagi ng mga dekalidad na certified inbred seeds. (FB, DA-PhilRice Bicol, June 9, 2023)
๐๐๐ฒ๐ฎ๐ ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐ซ๐๐๐จ๐ ๐ง๐ข๐ณ๐๐ฌ ๐๐๐๐
๐ฌ๐๐๐๐ฌ ๐๐ฌ ๐ค๐๐ฒ ๐ญ๐จ ๐๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ๐ฌ’ ๐ก๐ข๐ ๐ก ๐ฒ๐ข๐๐ฅ๐
Officials in the lone city of Agusan del Sur are hopeful that the RCEF seeds, which distribution kicked off in Brgy. Cagbas on Wednesday, will help increase farmers’ yield.
“Harvests here are generally at 4.71 t/ha. With RCEF intervention, we hope to increase yield by 5 t/ha which means a yield increase of 7%” Allan Rey G. Garcia, supervising agriculturist said.
He added that based on studies, “the use of quality certified inbred seeds had an advantage because seeds are pure and do not have any mixture.”
Officials also assured the farmers of the timely distribution of seeds. (FB, DA-PhilRice Agusan)
Ipapakita lang ang ID, makukuha na ang binhi
Sa mas pinadaling proseso ng Binhi e-Padala, naging mabilis ang pagkuha ng binhi ng ating mga ka-palay sa Labo, Camarines Norte.
“First time dito sa aming lugar ang Binhi e-padala at first time din ang pagpapamigay ng certified inbred seed. Madali at walang hassle. Ipapakita lang yung ID tapos makukuha mo na agad yung binhi,” wika ni ka-Palay Arnold Quintela.
Higit 140 magsasakang miyembro ng Farmers Irrigators Association of Guibasan ang tinatayang mabibigyan ng higit 400 bags ng certified inbred seeds ng Binhi e-Padala. Ipagpapatuloy naman ng local government units ang regular na pag-schedule ng seed distribution. (FB, DA-PhilRice Bicol, June 6, 2023)
RCEF Seed Distribution sa Pandi, Bulacan sinimulan na!
Simula June 5, ay maaari na pong kumuha ng libre at dekalidad na binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang mga kwalipikadong magsasaka Pandieรฑo na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Ang mga binhing dumating ay:
NSIC Rc 160
NSIC Rc 222
NSIC Rc 218
NSIC Rc 436
NSIC Rc 480, ๐ข๐ต
NSIC Rc 534
Inaanyayahan po ang mga magsasakang kwalipikado na makipag-ugnayan sa Pambayang Tanggapan sa Pagsasaka para sa proseso sa pagkuha ng binhi. (FB, Agriculture Pandi, June 4, 2023)