CALABARZON at MIMAROPA, sa dekalidad na binhi ay solved na!

Tinatayang mahigit 231k na sako ng certified inbred seeds mula sa RCEF Seed Program ang ipinamahagi sa mga bayan at lungsod sa Region IV-A at IV-B ngayong 2024 wet season.

Nakatanggap ang 36k na kwalipikadong magsasaka sa CALABARZON ng mahigit 85k na sako ng binhi. Samantalang halos 38k na magsasaka naman ang nabahagian ng 146k na sako ng binhi sa MIMAROPA.
Inaasahang naitanim ang mga binhing ito sa mahigit kumulang 97k na ektaryang sakahan.

Taos pusong pasasalamat din ang nais ipaabot ng DA-PhilRice Los Baños sa mga lokal na pamahalaan na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa implementasyon ng programang RCEF.

Isang masaganang taniman para sa mga magsasakang Pilipino!

(FB, DA-PhilRice Los Baños, July 31, 2024)

Ngayong July 19, 2024 taas kamay ng mga nakatanggap na ng SB merch o Siguradong Binhi na dekalidad mula sa RCEF BINhIverse!
 
Patingin naman ng matamis mong ngiti ka-RCEF 😊
(FB, RCEF Seed Program, July 19, 2024)