Sa pagbubukas ng Dry Season 2024, 70 magsasaka mula sa bayan ng Baras ang paunang nabigyan ng dekalidad na binhi mula sa RCEF Seed and DA-NRP Inbred Rice Program!

Happy rin ang ating mga ka-Palay na masubukan ang Binhi E-Padala System kung saan mas mabilis na nilang natatanggap ang kanilang binhi! Nagsagawa rin tayo ng program briefing upang mas makilala pa ng ating mga magsasaka ang iba’t ibang programa mula sa RCEF.

Ngayong DS2024, halos 4,000 sako ng binhi ang ipapamahagi sa mahigit 1,700 magsasaka ng Catanduanes! Makakatanggap rin sila ng mga IEC materials mula sa RCEF Extension.  (FB, DA PhilRice Bicol, Nov. 23, 2023)