Excited na si ka-Palay Janna H. Velayo, 23, ng San Miguel Bulacan na ibahagi sa kanilang komunidad ang Right Element, Amount, at Timing (EAT) ng pamamahala ng sustansiya sa pagpapalayan na kanyang natutuhan sa RCEF Training of Trainers on Pest and Nutrient Management, Abril 17-25, 2024 sa DA-PhilRice.
Bukod pa rito, napalawak din ang kanyang kaalaman sa pagtukoy at pamamahala ng peste at sakit.

Hiling ni ka-Palay Janna, magtuloy-tuloy ang libreng pagsasanay na hatid ng RCEF Extension Program upang mas marami pa ang matuto na mapataas ang kanilang ani sa mababang gastos.

Dalawampu’t dalawang trainers mula Tarlac, Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija ang ngayon ay handang mamahagi ng kaalaman sa mga ka-Palay sa kanilang komunidad. (FB, RCEF Extension Program)