SA PAGPASOK NG TAON, ang PHilMech ay nakilahok sa pagbubukas ng Agri-Aqua at Likhang Novo Ecijano Trade Fair 2024 ng Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Ibinida ng ahensiya ang RCEF Mechanization Program at developed technologies sa exhibit booth. Bukod dito, tinalakay ng PHilMech ang nasabing programa sa farmers’ forum para sa mga samahan ng magsasaka sa lungsod, kabilang na ang mga technical at documentary requirements sa aplikasyon.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 23rd Charter Anniversary ng lungsod at 11th Uhay Festival, at magtatapos sa January 7, 2024. (FB, RCEF Extension Program, January 4, 2024)