Masayang ibinahagi ni Benedicta Dela Peña, chairperson ng Saint Jerome’s Parish Multi-purpose Cooperative na ang bagong pasilidad na kanilang natanggap ay para sa mga miyembro ng kanilang organisasyon. Ito ay matapos idaos ang Rice Processing System (RPS) Turnover at Inauguration sa Barangay Bakir, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang RPS ay handog ng PHilMech sa pamamagitan ng RCEF Mechanization Program kung saan nakatanggap ang samahan ng isang unit ng multi-stage rice mill na mayroong 1.5 ton/hour capacity at dalawang unit ng recirculating dryers na mayroon namang 12 tons/batch capacity.

Ito ay may layuning palakihin ang kita ng mga magsasaka, pataasin ang productivity, at food availability. (FB, RCEF Extension Program, Nov. 27, 2023)