116 na magsasaka ang nagsipagtapos sa Radyo Eskwela Season 2: Angat Ani sa Tamang Makinarya mula sa Villaverde Development Cooperative, Villaverde, Nueva Vizcaya. Isa ang samahan sa nagkamit ng pinakamataas na bilang ng nagsipagtapos sa programa.
 
Idinaos ang graduation at awarding ceremony upang kilalanin ang aktibong paglahok ng samahan sa programang Radyo Eskwela ng PHilMech.
 
Nakatanggap ng transistor radios ang kooperatiba, gayundin ang top three graduates ng programa. Ilan pa sa mga natanggap nila ay mga babasahin, hats, bags, at shirts. (FB, RCEF Extension Program, Nov. 28, 2023)

Isang job well done para sa mga ka-Palay natin sa Casiguran Agriculture Cooperative sa probinsya ng Aurora! Ang kanilang samahan ay isa sa mga graduate ng Radyo Eskwela Season 2: “Angat Ani sa Tamang Makinarya,” na nagkamit ng isa sa pinakamataas na bilang ng nagsipagtapos.

Ang mga graduate ay nakatanggap ng shirts, bags, hats, at radyo mula sa PHilMech dahil sa kanilang aktibong pakikilahok sa programa. (FB, Extension Program, Dec. 20, 2023)