Isinusulong namin sa Kongreso at Senado ang pagpapalawig ng Rice Tariffication Law hanggang taong 2030 para tuloy-tuloy ang suporta sa ating rice farmers.
 
Isang bahagi ng RTL ay ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na nakatakdang magtapos sa 2025. Higit sa isang milyong magsasaka ang umaasa sa financial assistance, seeds, technical services, training, at mga equipment na ipinapamahagi sa ilalim ng rice fund. Kailangang maipagpatuloy ito upang mapondohan ang mga proyekto para sa rice sector, lalo na ngayong kinakaharap natin ang mga umuusbong na problema gaya ng El Niño.
 
Umaasa kami na maamyendahan ang RTL para mapalawak ang tulong at mapalakas ang produksyon ng ating mga magsasaka. (FB, Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr.)