Natutunan ni ka-Palay Aristotle D. Daylag, 45, ng Cabangan, Zambales sa ginanap na RCEF Tekno Gabay ngayong araw na mayroong tinatawag na “compensatory ability” ang mga batang palay. Ibig sabihin, kainin man ito ng pesteng insekto, makaka-recover pa rin ito! Kaya wag basta basta mag-spray ng pestisidyo!
✅ May kakayahang makabawi ang mga batang palay sa sirang dulot ng mga uod o mga defoliators.
✅ Magpapalit ito ng panibagong dahon o magdedebelop ng bagong suwi.

Halos 90 ka-Palay sa bayan ng Cabangan ang nakipagtalakayan at natuto sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, pamamahala ng sustansiya, at pamamahala ng peste sa ginanap na aktibidad ngayong araw.

Inaasahan ng ating mga ka-Palay na dahil sa kanilang mga natutunan ay tataas ang kanilang ani sa mababang gastos. (FB, RCEF Extension Program)