TANONG NI KA-PALAY: Ano ang RSBSA at paano makapagpa-rehistro rito?
Ang RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture ay ang opisyal na listahan ng mga magsasaka at mangingisda sa Pilipinas.
Para makapagpa-rehistro, kailangan ikaw ang mismong nagsasaka sa inyong palayan.
✅ Magdala ng 2×2 ID picture, valid ID, titulo ng lupa/lease of agreement o katibayan na kayo ay nagsasaka sa lugar.
✅ Dalhin ang mga requirements sa inyong municipal/city agriculture office upang magabayan kayo sa pagpaparehistro.
Bago makatanggap ng binhi ay dapat rehistrado sa RSBSA. Para naman sa 2023 wet season, ang mga makatatanggap ng binhi ay ang magsasaka na encoded ang RSBSA data sa Farmers and Fisherfolk Registration System (FFRS). Simula noong March 16, 2023, ang FFRS na ang ginagamit ng ating mga city/municipal agriculture office na opisyal na listahan ng mga magsasakang mabibigyan ng binhi mula RCEF.
Kaya ka-palay, magpa-rehistro ka na! Kung tapos na, gabayan mo rin ang iba nating ka-palay na makapagparehistro! (FB, RCEF Seed Program)