“Mas handa at kumpyansa kami na babalik sa aming mga magsasaka at tulungang pagyabungin ang kanilang pagpapalay!”

Ito ang naging pahayag ni ka-Palay Janet Lorilla ng LGU-Daraga, isa sa 30 graduates ng Training of Trainers on High Quality Inbred Rice Seeds, Seed Certification, and Farm Mechanization ng RCEF Extension Program.

Maliban sa iba’t ibang teknolohiya at makabagong pamamaraan sa pagsasaka, pinagtibay rin ang kanilang kaalaman sa tamang pag-aabono at pamamahala ng peste at sakit sa palayan.

Mas pinaghusay rin ang kanilang facilitation at teaching skills sa “Micro-Teaching” activity na makakatulong sa kanila bilang mga rice extension workers. (FB, DA-PhilRice-Bicol)