Kinilala ng mga ka-Palay natin sa Rehiyon 12 at BARMM ang iba’t ibang uri ng peste sa palayan at kung paano sila pamahalaan sa ginanap na Training of Trainers (TOT) on Pest and Nutrient (PNM) sa Agricultural Training Center – Satellite Training Center 12, Kabacan, Cotabato noong April 11-19, 2024.

Sumailalim sa walong araw ang mga kalahok upang malaman ang mga makabagong teknolohiya sa pamamahala ng peste at pataba. Dagdag nito ay nagsanay din sila sa pagkilala sa mga peste at mga sakit, pamamahala ng pataba, at agro-ecosystem analysis.

Ito ang unang batch ng TOT-PNM ngayong taon kung saan 28 ka-Palay ang nagsipagtapos.

FB, DA-PhilRice Midsayap, April 25, 2024

Latest Posts