Matapos ang apat na buwang matinding pagsasanay, nakapagtapos si Benjie Rance at 28 na kasamahan ng Rice Specialists Training Course (RSTC) na ginanap sa PhilRice Bicol Station, Batang Ligao City mula June 6 hanggang Oct. 21.
Ayon kay Benjie Rance, tumaas ang tiwala nya sa sarili dahil sa lumawak ang kanyang kaaalaman sa pagpapalayan na kanyang ituturo sa mga magsasaka.
“Ang confidence ay isang mahalagang taglay ng isang extension worker para mas magampanan pa ng mahusay ang trabaho at mas maibabahagi ang mga natutunan sa training,” anya.
Sa training, nahubog ang kanilang personalidad sa pagsilbi sa magsasaka at bayan at napalawak ang mga kaalamang base sa syensya at mga rekomendasyon sa pagpapalayan.
Ang pagsasanay ay programa sa ilalaim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law na naglalayong mapalakas ang Pilipinong magsasaka.
Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondohan din nito ang mga pautang na pangsakahan. (DA-PhilRice Bicol, FB)