Ating hinikayat ang mga ka-Palay na magsama-sama tungo sa mas masigla at masaganang pagsasaka sa naganap na 11th Uhay Festival parade ng Science City of Muñoz, Nueva Ecija na bahagi ng 23rd charter anniversary ng lungsod.

Sa sama-samang pagbuo ng kooperatiba at asosasyon, mas napapadali ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan at napapalakas ang bentahan ng mga produkto sa merkado na napatunayan na sa mga programang ating pinapangunahan gaya ng RCEF Seed at Rice Extension Services at RiceBIS.

Pinangunahan nina Executive Director John C. de Leon at deputy executive directors, Dr. Flordeliza H. Bordey at Dr. Eduardo Jimmy P. Quilang ang ating partisipasyon sa programa. 🤝🌾 (FB, DA-PhilRice, January 21, 2024)