Namahagi ang Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) ng Certified Rice Seeds sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Seed Program
Isa ang Lokal na Pamahalaan ng Pigcawayan na pinamumunuan ng ating butihing Mayor, Hon. Juanito C. Agustin sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) sa pamumuno ni Marites E. Londres, Acting Municipal Agriculturist ang nabiyayaang mabigyan ng 2,358 bags na alokasyon para sa RCEF-Seed Program.
Pinangunahan ni Mayor Juanito C. Agustin ang distribusyon ng binhi sa mga magsasaka kasama si Dr. Vince Tejada, Municipal Administrator at iba pang Personnel ng OMAg.
Ang programang ito ay may layuning tumulong na mapababa ang gastos at mapaangat ang ani at kita ng mga magsasaka.
Ang mga kwalipikadong magsasakang-benepisyaryo ng palay ay dapat nakarehistro sa RSBSA na SYSTEM GENERATED. Maaaring makakuha ang benepisyaryo ng tig dalawang sakong binhi ng palay (20 kilos/bag) para sa bawat isang ektaryang lupain.
Inaasahang ide-deliver pagkatapos ng holiday ang iba pang alokasyon para maibigay na agad sa mga magsasakang handa na sa taniman.
Para sa mga katanungan tungkol sa distribusyon, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the Municipal Agriculturist. (Pigcawayan, ang Banwa Ta, FB)