Nauna nang naideliver ang 529 bags ng certified inbred rice seeds sa mga early planters ng Infanta, Quezon.
Natanggap ng mga magsasaka ang NSIC Rc 216 at Rc 218 mula sa RCEF Seed Program.
Kuwento ni Silveria Pujalte, 78, NSIC Rc 218 ang isa sa mga magagandang barayti na kanyang nasubukang itanim. Umaani siya ng 5t/ha sa kanyang pinitak na mas mataas sa karaniwan nyang ani na 3t/ha bago ang RCEF Program.
Bukod sa binhi, nakatanggap din ng abono, makinarya, alagang hayop, cash assistance, at pasilidad ang mga magsasaka at samahan ng Infanta, Real, at General Nakar.
Pinangunahan nina DA-4A Regional Executive Director Milo Delos Reyes, Chief of Field Operation Division Engr. Redeliza Gruezo, at mga kawani ng DA-4A ang aktibidad.
Dumalo rin sina Infanta Vice Mayor L.A. RUANTO at ilang miyembro ng sangguniang bayan, mga kinatawan nina Cong. Mark Enverga, at Gov. Doktora Helen Tan. (FB, PhilRice Los Baños)