
CERTIFIED TRAINERS 

Nangako si ka-Palay Ruben Ramos, local farmer technician ng San Nicolas, Ilocos Norte na hindi niya ipagdadamot ang mga natutunan niya sa RCEF Training of Trainers.
“Ang commitment ko ay ia-apply ko ang mga natutunan ko sa training na ito sa aking gagawing demo farm lalong-lalo na ang PalayCheck System. Ibabahagi ko sa aking mga kapwa magsasaka ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan ng pagsasaka upang sama-samang umangat ang buhay naming mga magsasaka.”
Kabilang si ka-Palay Ruben sa mga nagtapos ng pagsasanay ukol sa pagpaparami ng dekalidad na binhi at paggamit ng mga makinarya. (FB, DA-PhilRice Batac)