Kamakailan lang ay nagkaroon ng Harmonization and Synchronization Workshop ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Implementing Units ng PHilMech, kasama na rito ang extension services program ng ahensiya.

Ang aktibidad na ito ay may layuning magkaroon ng iisang kumpas at plano ang mga units para sa huling taon ng RCEF Program at tignan ang bawat accomplishment ng mga ito sa nakalipas na limang taon.

Ito ay ginanap noong November 20-22, 2023, sa Angeles City, Pampanga. (FB, RCEF Extension Program, Nov. 27, 2023)