Upang mas mapalawak ang kaalaman sa pagpapalayan ng mga ka-Palay sa Catbalogan City, Samar at Naval, Biliran, nagpamahagi tayo ng mga libreng babasahin tungkol sa RCEF, Sistemang PalayCheck, at pag-aabono sa ginanap na isinagawang Seed Distribution Kick-off Ceremony and Technical Briefing sa nasabing probinsya.
💡 Binusog din natin sila sa kaalaman sa tamang pamamahala ng sustanya na kanilang magagamit sa pagtatanim.
Inanunsyo rin sa aktibidad na makatatanggap sila ngayong tag-ulan na taniman ng libreng dekalidad na binhi tulad ng:
✔️ NSIC Rc 222
✔️ NSIC Rc 216
✔️ NSIC Rc 402
✔️ NSIC 358
✔️ NSIC Rc 506
Para sa schedule ng libreng pamamahagi ng binhi mula sa RCEF, makipag-ugnayan lamang sa inyong agriculture office. (FB, RCEF Extension Program)