Nag-enjoy ang mga kalahok ng Training of Trainers (TOT) on Pest and Nutrient Management sa isinagawang hands on activities.
Dito nila natutunan kung paano kilalanin at ipreserve ang mga nakolekta nilang iba’t ibang klase ng insekto at damo.
Tinanggap din ng 6 na trainers ang hamon na sumabak sa bukid para sa kanilang unang pagkakataaon na magsagawa ng Agroecosystem Analysis.
Natutunan din nila ang mga tamang pamamahala sa nutriheno sa palayan.
Ang naturang pagsasanay ay bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program o RCEF-RESP na bahagi naman ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law or RTL, na naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga magsasaka ng palay. Ang programa ay ipinapatupad ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), Department of Agriculture-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PHilMech), Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI), at TESDA sa pakikipagtulungan sa local government units at iba pang intermediaries. (DA-PhilRice Batac, FB)