Sa katatapos lamang na RCEF PalaySikatan field day sa San Pablo City, Laguna, naibahagi ng mga magsasakang nakasali sa techno demo ang dalawang teknolohiya na swak sa kanilang panlasa.
 
Una sa kanilang listahan ang mechanical transplanter. Ayon sa kanila, tuwid ang tanim kapag ginamit ito at siguradong buhay ang palay kumpara noon na kung saan-saan ang direksyon ng kanilang pananim kapag manwal.
 
Nandyan din daw ang Minus-One Element Technique (MOET) na naging susi upang mas maging tama ang kanilang pag-aabono. Kuwento ni Pedro Arnel Calapine, farmer-cooperator, dati ay nanghuhula lang sila sa dami ng abonong gagamitin sa palayan. Ngayon ay gumamit siya ng 2 sako ng complete, 3 sako ng urea, at 1 sako ng potash sa kanyang isang ektaryang palayan. Sa kanyang estimate, inaasahan niyang aabot sa 100 kaban ang aanihin niya sa April 30. (Wack Lee, FB RCEF CALABARZON)