DATING KAPOS SA KAALAMAN sa pagsasaka, umaani ng 170 kaban kada ektarya ngayon!
Nang mamatay ang asawa ni ka-Palay Kathryn Barroga higit 10 taon ang nakalipas, kinailangan niyang pamahalaan ang 5 ektarya nilang sakahan kasabay ng pagganap sa kanyang tungkulin bilang isang ina sa dalawa nilang anak.
Aminado si Kathryn na hindi pa siya handa dahil kapos pa ang kanyang kaalaman sa pagsasaka. Ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay sumuko.
Tuwing magagawi sa kanilang LGU sa Alfonso Lista, Ifugao lagi siyang nanghihingi ng mga babasahin sa pagpapalayan at sumasali sa mga training.
Anya, mas tumaas ang kanyang kumpyansa sa pagsasaka sa tulong ng RCEF Farm Field School at Rice Specialists Training Course.
Ngayon isa na siyang farmer-leader, accredited inbred seed grower, at umaani ng 150-170 kaban kada ektarya. (FB, RCEF Extension Program)