Mahigit 1.68 milyong sako na ng dekalidad na binhing palay ang naideliver ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) Seed Program sa 42 probinsya sa bansa!
Ayon sa RCEF Seed Monitoring System, mula sa kabuuang naideliver, nasa 1.13 milyon ang naipamahagi na ng mga local government units (LGUs) sa lampas 400,000 na magsasaka. Tuluy-tuloy pa rin sila sa pamimigay hanggang September 15.
Matatandaang nagsimula ang Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) at mga LGUs sa RCEF seed delivery at distribution para sa tag-ulan na taniman o 2022 wet season noong March 16.
Sana nakatanggap na kayo ng binhi! (Agricultural Development PH, FB)