Drum seeding technology, handa nang subukan ng ating mga ka-Palay sa Capul, Northern Samar!

Isa sa mga problema ng mga magsasaka sa bayan ng Capul ay ang kakulangan sa manananim kung kaya naman ayon sa kanilang lokal na pamahalaan, madalas ay galing Sorsogon Province ang bigas na ibinibenta sa kanilang merkado.

Bilang tugon, ibinida natin sa ating mga ka-palay ang Plastic Drum Seeder. Isang makinaryang hindi kailangan ng gasolina, magaan, tipid sa binhi, at kayang buohin at i-operate ng isang tao lamang.

“Excited na kaming mag tanim sa susunod na taniman at subukan itong Drum Seeder! Maganda sya dahil di kelangan ng maraming manananim. Mahal na rin kasi ang labor at konti nalang ang manananamin kaya madalas walang tanim ang ibang palayan“, wika ni ka-Palay Eddie Congzon.
Tinalakay rin ang ilang bukid tipid tips lalo na sa usaping pag-aabono at pamamahala ng mga pesteng insekto tulad ng rice bug, daga, at black bug na ayon sa kanila’y madalas maminsala sa kanilang mga palayan.

“Salamat sa RCEF at PhilRice sa paghatid ng kaalaman na talagang magagamit namin dito sa Capul. Excited kami na subukan ito at sana’y makatulong talaga na matugunan ang kakulangan sa manananim. At kami sa LGU ay makabili rin ng mga karagdagang drumseeder at ipamahagi sa aming mga magsasaka”, batid ni Hon. Jhonnie Abak Ortego, Chair ng Committee on Agriculture, Capul, Northern Samar.

FB, DA-PhilRice Bicol, August 30, 2024