Insan! Pakita mo kung sino ka! 😎

Bagamat marami ang nagduda ng subukan ang demakinang pagsasaka, proud na ibinahagi ni ka-Palay Rene Briones ng Mobo, Masbate ang kanyang kwentong Palaysikatan!

Dahil sa RCEF, nasubukan namin gumamit ng Mechanical Transplanter. Noong una, naging katuwaan yung aking palay dahil sa distansyang 20cm x 20cm. Pero habang lumalaki, nakikita nila ang pag dami at makakapal na suwi ng aking palay. Nagulat rin sila na 40kg na binhi lang ang aking nagamit sa isang ektaryang palayan. Dihamak na mas tipid at mabilis! Ngayong darating na taniman , susubukan na rin nila maglipat tanim gamit ang transplanter.”

Ang PalaySikatan ay isa sa mga stratehiya ng RCEF-Seed Program upang ipakilala ang kakayahan ng mga modernong barayti at teknolohiya sa pagpapalayan, lalo na sa pagtatanim, pag-aabono at pag-aani.

FB, PhilRice Bicol, November 10, 2023