NSIC Rc 358, kilalanin!

Malinis tingnan, mahaba at hitik sa bunga” ganyan inilarawan ni nanay Pacita T. Cañete ng Kawayan, Biliran ang NSIC Rc 358 ng makadalo ito ng Palay Sikatan Field Walk na ginanap sa Brgy. Ungale, Kawayan Biliran.

Dito ay itinatampok ang mga rekomendadong barayti at mga bagong teknolohiya sa pagsasaka.
Tampok din ang mga barayting NSIC Rc 506, NSIC Rc 480, NSIC Rc 222, NSIC Rc 216, at NSIC Rc 442.

Ang Rc 358 ay itinanim sa pamamagitan ng walk behind mechanical transplanter.

FB, DA-PhilRice Bicol, October 31, 2023