500 series na barayti, bida sa Palayan! ✨️

Nanaig ang NSIC Rc 512 at 508 sa puso ng mga ka-Palay na dumalo sa PalaySikatan Field Walk sa Brgy. Palayan, Nagcarlan, Laguna.

Ayon kay Laura Sumagui, malaking tulong ang pagkakaroon ng ganitong aktibidad dahil naipapakita ang ganda ng iba’t-ibang barayti. Kanyang naibigan ang NSIC Rc 508 dahil maganda ang uhay nito at mahahaba pa ang butil.

Bahagi naman ni Marcelino Munton, pagkakataon din ang field walk upang maipakilala sa kanila ang mga bagong barayti.

Bukod pa rito, ipinamalas din ang iba’t-ibang klase ng makinarya tulad ng mechanical transplanter at reaper para sa mas pinadali at pinabilis na gawain sa palayan.

FB, DA-PhilRice Los Baños, October 18, 2023