Dumagsa ang mga magsasaka ng Quirino sa ginanap na Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Seed Provincial Technical Briefing and Seed Distribution Kick-off kahapon sa Provincial Capitol ng Quirino na inorganisa ng Provincial LGU.
 
Kasama sa mahigit 300 na dumalo ang mga national agencies gaya ng DA-PhilRice, Landbank, DA-RFO2, kasama ang mga municipal LGUs.
 
Bago ang technical briefing, iginawad ni DA-PhilRice Isabela Director Joy Bartolome A. Duldulao ang sertipiko ng 18,406 RCEF Seeds para sa probinsya na tinanggap ni Gobernador Dakila Carlos E. Cua. Nagpasalamat ang huli sa natatanggap na binhi ng probinsiya sa bawat taniman.
 
Sa ikalawang bahagi ng aktibidad, isinagawa ang technical briefing para sa mga magsasakang dumalo at tinalakay ang pamamahala ng sustansiya sa palayan o Keycheck 5 ng PalayCheck system.
 
Para sa karagdagang kaalaman, namahagi din ang RCEF ng mga babasahing gabay sa pagpapalay, PalayCheck System primer, magasin at iba pa. (FB, DA-PhilRice Isabela)