“Malaking bagay po ang RCEF training upang maiangat din namin ang kalagayan ng pagsasaka sa aming lugar.”
 
‘Yan ang sambit ni Kryztof Ray C. Carillo, may-ari ng DC Integrated Farm School mula sa Capiz. Isa si Kryztof sa 28 participants na nagsipagtapos sa ginanap na RCEF Refresher Course for Rice Specialists nitong July 11-19.
 
Kahit hindi na sila baguhan sa agrikultura, anya ay marami silang natutunan at mas naging malinaw ang ibang impormasyon, mga stratehiya, at kasanayang handa nilang ibahagi sa kanilang komunidad.
“Mas naging confident kami na harapin ang mga magsasaka. Handa na kaming ibahagi sa kanila ang natutunan namin dito. Para na kaming upgraded version! At ‘yan ay malaking pasasalamat namin sa PhilRice at sa mga high-caliber trainers natin,” saad ni Kryztof.
 
Ang Refresher Course ay dinaluhan ng mga rice specialists mula sa lokal na pamahalaan, Agricultural Training Institute, DA-Regional Field Office, farm schools, at PhilRice. (FB, RCEF Extension Program)