Matagumpay na nagsipagtapos ang 27 rice trainers mula sa Region 9, 12 at BARMM sa Training of Trainers on Pest and Nutrient Management na ginanap noong June 19-27 sa ATI-STC XII, USM, Kabacan, Cotabato.

Kwento ni ka-Palay Mohammad Yousuf A. Omar, natutunan niya ang right EAT (element, amount, timing) sa tamang pag-abono sa palay. Aniya, mas makatitipid sa gastos kung susundin ang tamang pamamaraan ng paggamit ng abono.

Dagdag pa ni ka-Palay na ang wastong pagkilala sa mga peste at sakit ay mahalaga upang malaman kung paano ito makokontrol at mapamamahalaan. Hindi na kailangan mag-spray kung mas marami ang kaibigang kulisap na maaaring pumuksa sa mga peste sa palayan.

Ang layunin ng TOT on PNM ay magdagdagan ang kaalaman ng mga trainers upang maipamahagi ang makabagong teknolohiya sa pagpapalayan tungo sa mataas na ani at kita.

FB, DA-PhilRice Midsayap, June 28, 2024

Latest Posts