Nagsama-sama muli ang Department of Agriculture-PhilRice Negros, mga katuwang na ahensiya at local government units ng iba’t-ibang probinsiya sa ginanap na RCEF Seed and Extension Social Mobilization activity.

Layunin nito na mas mapabuti at mapanatiling organisado ang pagbibigay ng serbisyo ng mga partner-LGUs sa Western at Central Visayas para sa mga magsasaka.

Aabot sa kalahating milyon ang ipamamahagi na certified seeds sa mahigit 250,000 na magsasaka sa nasabing mga rehiyon. (FB, DA-PhilRice Negros, April 16, 2024)