Kabacan, Cotabato – Nagsimula na ang ika-apat na batch ng RCEF Training of Trainers on Pest and Nutrient Management (TOT-PNM) na ginanap sa Agricultural Training Institute 12 – Satellite Training Center ngayong August 14, 2024. Ang walong araw na pagsasanay ay dinaluhan ng tatlumpu’t apat (34) na kalahok mula sa Rehiyon 9, 12, at BARMM.

Ang nasabing training ay binubuo ng mga trainers mula sa Farm Schools at mga Agricultural Extension Workers mula sa Local Government Units ng tatlong rehiyong nabanggit. Layunin ng programa na madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga makabagong teknolohiya sa pamamahala ng peste at pataba.

Sa loob ng pagsasanay ay magkakaroon ng aktuwal na karanasan ang mga kalahok sa pagkilala ng mga peste at sakit, pamamahala ng pataba, at pagsusuri ng agro-ecosystem. Ang nasabing pagsasanay ay ang magiging huling batch ng TOT-PNM para sa taong ito.

Ang inisyatibong ito ay inaasahang magbibigay ng mahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng agrikultura sa mga nasabing rehiyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kakayahan ng mga trainers at extension workers sa kanilang mga lokal na komunidad.

FB, DA-PhilRice Midsayap, August 14, 2024


Latest Posts