Ilang magsasakang miyembro ng tatlong asosasyon sa Guindulungan, sinanay ng aktwal na paggamit ng rice transplanter.
Upang higit na malinang ang kakayahan at kaalaman ng mga magsasaka ay isinagawa ang Hands-on Training on Mechanical Rice Transplanter for Clustered Inbred Rice Production Demonstration Farm sa mamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program o RCEF-RESP sa bayan ng Guindulungan kahapon, ika-5 ng Hulyo, 2022 sa Barangay Muslim ng bayan sa Probinsya ng Maguindanao.
Ito ay sa pangunguna ni Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR)-Maguindanao Senior Agriculturist for Crop Production and Management Engr. Muhaimin L. Ali kasama ang aktibong pangangasiwa ng MAFAR sa Guindulungan, kaakibat ang National Irrigation Administration o NIA.
Ayon kay Engr. Ali, ang pagsasanay ay aktwal na ituturo sa mga magsasakang miyembro ng asosasyon sa bayan na tumanggap ng makinarya mula sa Philippine Center for Post Harvest Development and Mechanization o PhilMech sa ilalim ng RCEF- Mechanization program. Ito ay upang higit mapahusay at mapabilis ang pagtatanim ng palay ng mga magsasaka at magamit ng husto ang natangap nilang mechanical rice transplanter na walk behind.
Ayon naman kay OIC-MMO Sham U. Abas, ang mga magsasakang kalahok sa nasabing pagsasanay ay inaasahan ding ituturo ang mga natutunan sa kanilang mga kasamahang miyembro ng asosasyon sa bayan gaya ng Guindulungan Irrigators Association ng Brgy. Kalumamis, Kapamagayon Irrigators Association ng Brgy. Muslim, at Masibukao Communal Irrigators Association ng Brgy. Macasampen.
Kaugnay nito nakilahok din ang mga kawani ng MAFAR-Maguindanao gaya ni Provincial Staff for Agriculture Operations Fahad Zainal kasama ang dalawang mga On-the-Job Trainees mula sa Mindanao State University-Maguindanao.
Di din nagpahuli sa aktwal na paggamit ng naturang mechanical rice transplanter ang mga Agricultural Extension Workers ng MAFAR sa Guindulungan sa pamamagitan nina ARPT Engr. Suhartu K. Buisan at Agricultural Technologist Reimah Y. Sandigan-Kabasalan.
Nagsilbing instructor na syang nagbigay giya kung paano ang wastong paggamit ng nabanggit na makinarya sa palay si Mark Anthony Tesoro, aktibong seed grower mula sa bayan ng Upi, Maguindanao.
(MAFAR-Maguindanao, FB)