Sa naganap na roundtable discussion ng research institutions na pinangunahan nina Dr. Jean Balie, IRRI director general, at Dr. John de Leon, PhilRice executive director, nailatag ang bagong PhilRice strategic plan, global rice R&D directions, at mga programa ng IRRI na tutugon sa mga kakaharaping hamon ng sektor.

Ipinakita din ng PhilRice sa naganap na Lakbay Palay ang mga pag-aaral at makabagong teknolohiya sa pagpapalayan para sa mga Pilipinong magsasaka. Napansin naman ng mga international counterparts ang sigla ng agrikultura sa bansa sa pagiging entrepreneurial ng ating mga ka-Palay.

Nakasama ng delegasyon ng IRRI ang 600 ka-Palay mula Luzon at Mindanao na nagbahagian ng kanilang karanasan patungkol sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). (FB, DA-PhilRice)