Knowledge Sharing and Learning para sa mga magsasakang Cagayano 🌾
Batay sa resulta ng isinagawang communication needs assessment (CNA) sa bayan ng Baggao, Cagayan at Lal-lo, Cagayan, ang mga Ka-Palay natin doon ay nangangailangan ng gabay pagdating sa pamamahala ng peste at sustansiya.

Tugon dito, ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Rice Extension Services Program ng DA-PhilRice Isabela ay nagtungo sa nasabing bayan. Doon tinalakay ang dalawang KeyCheck ng Palaycheck System. Sa KeyCheck 5 (Pamamahala ng Sustansya), binigyan diin ang Right E-A-T (Element. Amount, Timing) sa pagpapataba; at sa KeyCheck 7 (Pamamahala ng Peste), tinalakay rin ang pagpili ng rekomendadong barayti na matibay sa peste at sakit. (FB, DA-PhilRice Isabela, June 1, 2024)